About

Welcome to Ambivalent. Please feel free to rate my posts. >
Creative Commons License
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

19 May 2008

Overheard...

Kanina sa loob ng elevator may nakasabay akong grupo ng mga lalake na naguusap. Pinag uusapan nila ata yung isa nilang kasama sa trabaho (itago na lang natin sya sa pangalang M). Sabi ng isa may avatar daw itong si M ng kabaong. Eh di tawanan naman yung mga kausap ng lalaki (ako rin muntik na matawa). At lahat daw ng kaaway ni M ay tinatakot niyang ilalagay doon sa kabaong. Syempre akala ko weirdo lang yung si M. E kaso mo nabanggit nung nagkukuwento na may topak nga raw itong si M kasi biruin mo yung avatar pala niya ay kabaong nung tatay ng kaibigan niya! Kinunan daw ni M nung nakilamay.
Image courtesy: Webweaver

No comments: